1. Home
  2. Teknolohiya
  3. Social Networks

Canadians binalaan na ginagamit ng Tsina ang TikTok para sa pang-eespiya

Ang babala ay nanggaling sa pinuno ng intelligence agency ng bansa

Logo ng TikTok sa smartphone.

Logo ng TikTok (archives).

Litrato: afp via getty images / Lionel Bonaventure

RCI

Sa ilan sa kanyang pinakaagresibong komento sa ngayon, ang pinuno ng intelligence agency ng Canada binalaan ang Canadians — kasama ang mga tinedyer — laban sa paggamit ng sikat na video app na TikTok.

Ang sagot ko bilang direktor ng [Canadian Security Intelligence Service] ay may napakalinaw na estratehiya sa parte ng gobyerno ng Tsina … na magkaroon ng kapasidad na kumuha … ng personal na impormasyon mula sinuman sa mundo, ani Canadian Security Intelligence Service director David Vigneault sa interbyu ng The House ng CBC na eere sa Sabado.

Bilang isang indibidwal, masasabi ko na talagang irerekomenda ko na hindi magkaroon ng TikTok ang isang tao.

Ani Vigneault napakalinaw mula sa disenyo ng app na ang datos na nakuha mula sa kanilang mga user ay available sa gobyerno ng Tsina.

Karamihan sa mga tao sinasabi na, ‘Bakit big deal para sa isang tinedyer ngayon na mapunta ang kanilang data [sa Tiktok]?’ Sa limang taon, sa 10 taon, ang tinedyer na iyon ay magiging young adult, makikilahok sa iba’t ibang aktibidad sa buong mundo, aniya kay Catherine Cullen.

Kung ikaw, anuman ang dahilan, ay mapupunta sa crosshairs ng [People's Republic of China], magkakaroon sila ng maraming impormasyon tungkol sa iyo.

Dumating ang kanyang mga komento isang linggo matapos ilabas ng Canadian Security Intelligence Service ang kanilang annual report na nagbabala tungkol sa lumalaking extraterritorial reach ni Chinese President Xi Jinping.

Sinabi sa report na ang presidente ng Tsina ay nagpakilala ng mga probisyon na bibigyan ang Beijing ng abilidad na kontrolin ang data sa Tsina, at ang malawak na mga batas na nire-require ang mga mamamayan ng Tsina saanman sa mundo na tumulong at makipag-cooperate sa intelligence services ng Tsina.

Gumagamit sila ng big data analytics, mayroon silang amazing computer farms na nagka-crunch ng data, sila ay nagdedebelop ng artificial intelligence … batay sa paggamit ng data na ito, ani Vigneault. Ang ultimate goal ay palaging protektahan ang interes ng Chinese Communist Party. At mula sa point of view na iyon, sa maraming paraan, ito ang threat sa gawi ng ating pamumuhay.

Si Vigneault ang pinakahuling opisyal sa West na itinaas ang alarma tungkol sa TikTok na inilalagay ang sensitibong user data sa mga kamay ng gobyerno ng Tsina.

Narito naman ang pahayag ng TikTok na ibinahagi sa CBC News.

These assertions are unsupported by evidence, and the fact is that TikTok has never shared Canadian user data with the Chinese government, nor would we if asked. Canadian Security Intelligence Service's own annual report notably makes no mention of a specific risk from TikTok, but it does reference a number of other platforms that have been used by foreign actors to target Canadians.

Ayon pa sa TikTok, mino-moderate nila ang content sa naturang platform ayon sa kanilang community guidelines, at hindi dahil sa sole request ng anumang gobyerno.

"Singling out one platform and making unsupported accusations does not make Canadians safer. We will continue to engage with Canadian officials and would welcome the opportunity to meet with Canadian Security Intelligence Service to discuss how we protect the privacy and security of Canadians," dagdag pa ng pahayag ng TikTok.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita